
ang kabuuang pondo para sa unibersidad. Ito ay binubuo ng Personnel Services,
Maintenance at iba pang Operating Services, at Capital Outlays.
Sa Personnel Services, ang proposed budget FY 2021 ay Php 410,510. Ang
pondong ito ay nahahati depende kung saan ito gagamitin. Ilan sa mga ito ay ang Basic
Salary, Personnel Economic Relief Allowance, Representation Allowance, Transportation
Allowance, Clothing at Uniform Allowance, Mid-year Bonus at Year-End Bonus, Cash
Gift, Productivity Enhancement Incentive at Step Increment.
Bukod dito, sakop din ng Personnel Services ang iba’t ibang benepisyo gaya ng
PAG-IBIG, PhilHealth, Employees Compensation Insurance Premiums, Loyalty Award –
Civilian at Terminal Leave.
Para naman sa Maintenance at iba pang Operating Services, ito ay
nagkakahalaga ng Php 65,937. Kasama sa pondong ito ay ang ilalaan para sa Travelling
Expenses, Training, Scholarship, Materials, Utility, Communication Expenses,
Awards/Rewards, Survey Research, Exploration at Confidential, Intelligence at
Extraordinary Expenses, Professional Services, General Services, Repairs at
Maintenance, Taxes, Insurance Premiums, Labor at Wages, Printing para sa Publication,
Transportation, Membership at Contribution para sa mga Organizations, at Subscription
Expenses.
Sa kabilang banda, Php 62,534 naman ang pondo para sa Capital Outlays.
Sinasakop ng pondong ito ang mga proyekto para sa bagong gusali at iba pang
imprastraktura na may halagang Php 55,280 at maging sa Machinery at Equipment
Outlay nagkakahalaga ng Php 7,254. Malaki ang itinaas nito kumpara noong taong 2020
na may halagang Php 15,000 na nakalaan naman para sa Land Improvements.
Pagsulong sa Serbisyo
Ang bawat pondong inilaan ng gobyerno para sa iba’t ibang sektor sa buong bansa
ay nakadepende sa kanilang pangangailangan. Bawat taon maaari itong tumaas o
bumaba. Pinagtutuunan nila ng pansin ang mga bagay na kailangan pang aksyunan
upang makapaghatid ng mas maayos na serbisyo.
Higit pa rito, malaking tulong ang mga pondong nabanggit hindi lamang sa
unibersidad at mga guro kung hindi lalo na sa mga estudyante ng Laguna State
Polytechnic University (LSPU). Ito ang magiging daan upang patuloy na makapagbigay
ng may kalidad,, mahusay, at mabisang edukasyon.
Pag-aani